STREAM OF CONSCIOUSNESS
setting: office (sa pagitan ng nagdadalawang-isip na kanta at pagpapasya)
oras: umagang walang magawa. sumama kaya ang puso? (walang aangal at walang magsasabi ng korni. kayo lang ang nakikibasa.)
breathe in, breathe out…
tawa nang tawa silang mga kayosihan ko kanina. kasi naman bigla akong nagsisigaw ng shet, shet! nakita ko kasi ‘yung dalawang maya sa kalye, nauulanan tapos nagtatampisaw pa sa puddle (ampotah, walang nakakaalam dito ng translation nito). kala naman kasi nila may kung anong hayop o taong nasagasaan kaya ako sumigaw. eh hello? kelan ba naging rule ‘yun? nakakaawa naman kasi ‘yung dalawang maya. pag namatay sila dahil sa sipon, may iiyak bang tao para sa kanila? yes, naniniwala ako sa kanta ni tatang levi. pag namatay ako, may iiyak kahit isang ibon. keber na kung mahina o malakas.
count from one to ten pls…
naalala ko dati nang hell bent akong magpapayat. dalawang oras akong nagyoyoga araw-araw. tapos hindi ako nagkakanin at nagtitinapay. oatmeal at crackers lang. pumayat nga ako, pero nawalan naman ng boobs at pwet. tapos naiwan pa rin ang memory ng gusto kong makalimutan. kaya sabi ko nga kay nini kahit na tatlong order pa ng kanin ang almusalin nya kanina, ok lang sa akin. hindi niya kailangang magpapayat para lang makalimutan ang taong nagkataong mahal din niya. isipin mo na lang ABBY ham ‘yan, err… mahal naman kita. ‘wag ka lang magdemand ng manly embrace lalo na’t malapit ang christmas season. i can’t give something i do not have. devas?
gutom na ako, tinay asan ka na?
kung si nini nga, hindi ko pa binubuksan ang bibig ko, alam na nya kung anong punctuation mark ang babagay sa dulo ng sasabihin ko. minsan, sabay naming inuusal ang iisang salita o parirala. hello teacher ispiritu? wala ka sa podium! naiintindihan ko rin ang bawat pagsikip at pagluwag ng kanyang paghinga. minsan nga sinasabi ko sa kanya, sana lalaki na lang siya. eh di sana, may soulmate na ako. hehe.
yes, hindi ko pa nami-meet ang lalaking soulmate ko. malamang natrapik. pwede rin namang gaya ko, nakahanap siya ng maling kasama. teka lang, ilang beses na nga ba ako nakatagpo ng maling kasama (o akala ko kasama?) OMG!!! mac, dalawang beses na pala? mac, nakakapagod ang trial and error! i try to say goodbye and i choke…try to walk away and i stumble… (ampotah naman macy gray, wrong timing ka!!!) yes, bestfriend ko na ang exclamation point ngayon. walang kokontra!!!
pero sabi nga ni leanne rhimes, life goes on…
sabi naman sa pabunot sa tindahan, better luck next time…sabi sa signboard sa banko kapag weekend, sorry we’re close…si mac naman may hirit din, at the end of the tunnel, there is a man…sabi sa mga beauty pageants pagkatapos ma-announce ang final 10, thank you girls…sabi ng bestfriend ko, you have a brighter future ahead of you…sabi ni mac, we can only do so much. i-record na lang natin ‘to para bukas patutugtugin na lang natin ulit…sabi ni nini, hindi SIYA ‘yun…sabi ni juan ponce enrile, enough is enough …at finally ang sabi ko…
I AM OUTTA HERE!!!
